BUMABA na ang coliform level sa Manila Bay, isang taon matapos itong isailalim sa rehabilitasyon.
Ayon kay Department of Environment and National Resources (DENR)-Manila Bay Coordinating Office Director Jake Meimban, bumaba na ang fecal coliform level sa Manila Baywalk, Baseco beach at Estero Antonio de Abad, ngunit, hindi pa rin ito pasok sa standard level.
“We are winning on these three priority areas in terms of lowering the fecal coliform level, also in terms of collecting or cleaning up the garbage in that area. But on the coliform levels, a lot has been decreasing slowly, but still not within the standard levels set by the DENR,” ani Meimban sa isang panayam.
Sa datos ng kanilang opisina, lumalabas na ang fecal coliform sa Estero Abad ay nasa 35 million kada 100 milimetro (MPN/100ml) kumpara sa 1.7 bilyon noong nakaraang taon. 100 milyon naman sa Baywalk kumpara sa 300 milyon at 53,000 na lamang sa Baseco beach kumpara sa isang milyon noong nakaraang taon.
Ang safe level ay nakatakda sa 100MPN/100ml. (Dahlia S. Anin)
125