CONSTRUCTION WORKER KRITIKAL SA SCAFFOLDING

(Ni CHE ALMADIN)

Nasa kritikal na kalagayan ngayon ang isang construction worker dahil sa malubhang pinsala nito sa katawan makaraang mag-collapse ang scaffolding na kanilang ginagamit sa pagi-install ng mga metal at tamaan ito sa Lungsod ng Malabon kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ni Malabon City Police Chief SSupt. Jessie Tamayao, ganap umanong alas – 5:00 pasado ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng kakabukas lamang  na Fisher Mall na matatagpuan sa kanto ng C4 Road at Dagat -Dagatan Avenue, Barangay Longos ng nasabing lungsod.

Kasalukuyan umano noong nagi-install ng “metal paring” sa loob ng nasabing mall ang biktimang si Dino Bazar, 38 anyos ng C. Arellano Street Bacoov, Sta. Mesa, Manila kasama ang katrabahong si Elchie Benitez, 29 anyos, nang bigla na lamang mag-collapse ang scaffolding na kanilang gamit kaya   mahulog ang metal  kasabay ang biktima.

Agad namang naisugod ng kanyang mga katrabaho ang biktima sa Tondo Medical Center na ngayon ay nasa kritikal na kundisyon at inoobserbahan ang kalagayan.

Ang nasabing mall ay pagmamay-ari ng isang negosyanteng si Ray Del Rosario ng Mallers Management Corporation na naka-schedule ang soft opening ngayong araw at ang grand opening sa darating na 2019.

6

Related posts

Leave a Comment