EBIDENSYA SA QUOTA SYSTEM SA WAR ON DRUGS MALAKAS

MALAKAS ang ebidensya na kinotahan (quota) ang mga pulis para pumatay ng 50 hanggang 200 drug suspect araw-araw noong kasagsagan ng war on drugs ng nakaraang administrasyon kapalit ang money reward.

Ito ang kinumpirma ni House committee on human rights chairman at Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., na co-chairman din ng quad committee na nag-iimbestiga sa pagkakaugnay ng Philippine offshore gaming operators (POGO), illegal drug smuggling at extra-judicial killings (EJK).

“In just three hearings, the quad comm inquiry has exposed an intricate and expansive network of smuggling and trafficking in dangerous drugs, illegal Philippine offshore gambling operators or POGOs and illegal gambling activities like jueteng that flourished during the Duterte presidency,” ani Abante.

Hindi nakapagtataka na umabot aniya sa 30,000 Pilipino ang napatay noong panahon ng war on drugs kung saan karamihan sa mga biktima ay mahihirap at walang kakayahang ipagtanggol ang kanilang sarili.

Unang isiniwalat ng poster boy sa war on drugs na si Police Lt. Col. Jovie Espenido sa quad comm na nagtakda umano ng daily quota si dating Philippine National Police (PNP) director general at ngayo’y Senador Ronald “Bato” dela Rosa na “mag-eliminate” at “mag-neutralize” ng 50 hanggang 200 targets sa war on drugs.

Sinabi rin aniya ni Espenido sa komite na P20,000 ang reward sa mga pulis sa bawat mapapatay ng mga ito kung saan ang pera ay mula sa illegal drugs mismo, POGOs, jueteng, at maging STL ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). (BERNARD TAGUINOD)

38

Related posts

Leave a Comment