Final ruling ng SC sa territorial dispute, self-executing WRIT OF EXECUTION ‘DI KAILANGAN SA TAGUIG-MAKATI

NANINDIGAN ang Taguig LGU na hindi na kailangan ang Writ of Execution para ipatupad ang paglilipat ng mga barangay, na ayon sa Korte Suprema ay sakop ng hurisdiksyon ng Taguig.

Sa isang statement, inalmahan ng Taguig ang “initial assessment” na inilabas ng Office of the Court of Administrator (OCA) na nagsasabing kailangan pa ng Writ of Execution para maipatupad ang kautusan.

Iginiit ng Taguig LGU na walang legal na pwersa ang inilabas na opinyon ng OCA at hindi rin ito maaaring gamiting batayan para iantala ang paglilipat ng mga barangay mula sa Makati patungo sa hurisdiksyon ng Taguig.

“Being a mere opinion, this statement does not have the force of law and does not bind Taguig,” saad ng Taguig LGU.

Dagdag pa nito, ang opinyon na inilabas ng OCA ay hindi na sakop ng kapangyarihan nito dahil hindi na ito bahagi ng routine administrative matter na dapat nitong pangasiwaan sa mga trial court.

“The matter relating to Taguig exercising its rights as the winning party involves a judicial adjudication. It is definitely not a “routine administrative matter,” giit ng Taguig LGU.

Taliwas din umano ang opinyon ng OCA sa nature at tono ng mismong desisyon na inilabas ng Korte Suprema na self-executing.

“The opinion thus unfortunately encourages delay and even defiance, instead of respect and immediate voluntary compliance, with final and executory judgments of the Supreme Court,” giit ng Taguig.

Tinukoy rin ng Taguig ang prinsipyong inilatag ng Korte Suprema sa kaso ng Camarines Norte v Province of Quezon.

Sa nasabing kaso, pinuri ng korte ang Comelec, DBM, DOF at DENR sa pagkilala nito sa desisyon ng hukuman na nagsasabing sakop ng Camarines Norte ang siyam na barangay mula sa Quezon.

Kasabay nito, pinatawan ng korte ng contempt ang mga opisyal ng Quezon Province dahil sa pagbalewala sa inisyu nilang final decision.

Dahil dito, pursigido ang Taguig na maghain ng legal remedy para igiit ang kanilang karapatan salig sa desisyon ng korte at ng itinatakda ng batas.

“Taguig shall pursue all legal remedies against those who act to frustrate, obstruct, delay, or defy and contribute to or abet the defiance or delay in the implementation of the Supreme Court’s Decision,” saad sa inilabas na statement ng Taguig.

86

Related posts

Leave a Comment