REBATE SA MARCH BILL NG MLA WATER INILABAS NA

water

(NI KIKO CUETO)

INILABAS na ng east concessionaire Manila Water ang kanilang partial list ng mga barangays, na sinasabing na-validate nila na “severely affected” nang nangyarign krsis sa tubig noong isang buwan.

Sinabi ng Manila Water, na ang mga residente sa ilalim ng severely affected barangay ay mabibigyan ng full bill waiver para sa March consumption.

Kabilang dito sa Mandaluyong City: Bgys. Addition Hills; Barangka Drive; Plainview; Highway Hills; at Hulo.

Pasok naman sa Pasig City ang: Kapitolyo; Bagong Ilog; at Oranbo.

Isinama rin ng Manila Water ang Upper Bicutan sa Taguig at Bgy. Mambog sa Binangonan.

Sinabi ng kompanya na aabot sa 152,000 households ang makatatanggap ng full waiver sa kanilang March consumption.

Makikita nila ito sa kanilang April bill.

Sa ngayon, pinag-aaralan pa nila ang 44 na barangays na posibleng “several affected.”

Ibig sabihin, bahagi lang ang bawas sa kanilang bill waiver program, dahil kahit paano umano ay may pumapatak naman na tubig sa kanilang gripo.

Sinasabing ang mga nasa ilalim nito ay makakatanggap pa rin ng waiver sa unang 10 cubic meters sa kanilang March consumption, na ibabawas sa April bill.

Samantala, binawasan na ng Angat Dam ang water allocation sa irrigation mula sa 40 cubic meters per second pababa sa 35 m3/s para mapreserba ang supply sa Metro Manila.

Sinabi ni National Water Resources Board executive director Sevillo David Jr., na ang pagbabawas ay hindi naman makaaapekto sa farmland operations dahil sa buwan ng Mayo naman ay madalas na inaani ang mga sinaka.

Ang Angat Dam ay nagbibigay ng water irrigation sa farmlands sa mga probinsya ng Bulacan at Pampanga.

 

126

Related posts

Leave a Comment