KAILANGAN nang alisin bilang kalihim ng Department of Finance si Benjamin Diokno.
Ito ang sigaw ng dalawang grupo na nagprotesta kahapon sa harapan ng tanggapan ng DOF sa Roxas Boulevard at P. Ocampo Street, Malate, Manila.
Alas-12 ng tanghali ng magtipon-tipon ang grupo ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa pangunguna nina Rafael Mariano at Rosendo So.
Kabilang sa mga panawagan nila na, huwag nang mag-import ng bigas sa halip ay palakasin ang lokal na produksyon nito, at harangin ang planong pagtapyas ng 10% sa taripa ng imported rice.
Agad namang kinordon ang area ng mga tauhan ni Police Lieutenant Colonel Salvador Tangdol.
Ilang minuto lamang ang itinagal ng protesta.
(RENE CRISOSTOMO)
110