ILEGAL NA ONLINE SABONG SA 3 LALAWIGAN TULOY SA PAMAMAYAGPAG

HINDI nagpapatinag ang ilegal na pasugalan sa tatlong lalawigan sa bansa kaya patuloy ito sa pamamayagpag.

Ayon sa nakalap na impormasyon, ang DSC Online Sabong, na pagmamay-ari ng isang nagngangalang Bryan, Toks, isang mataas na opisyal ng pulisya at isang mambabatas na kilala sa pangalang Cong. M. ang siyang nagpapatakbo ng ilegal na Online Sabong sa iba’t ibang lalawigan partikular sa Bulacan, Batangas at Laguna.

Hindi umano natitinag ang mga nabanggit na pangalan sa pagpapatigil ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa operasyon ng online sabong sa buong bansa. Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nabibigyan ng katarungan ang pagkawala ng mahigit tatlumpong katao noong 2021-22 na pinaniniwalaang dinukot ng mga sindikato sa ilegal na sugal na ito.

Kaugnay nito, paiimbestigahan na umano sa pamunuan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Philippine National Police, National Bureau of Investigation (NBI) at sa Cyber Crime Division ng CIDG ang patuloy na iligal na gawain sa mga nasabing lugar.

Posible rin umanong paimbestigahan sa mababang kapulungan ng Kongreso kung bakit nagpapatuloy ang mga ilegal na sabong sa kabila ng pagpapahinto rito mismo ni Pangulong Marcos,

Ayon sa ulat, mahigit 15 hanggang 25 milyong piso kada araw ang kinikita sa ilegal na sabong ngunit walang nakukuha ang gobyerno mula rito. (DANNY BACOLOD)

235

Related posts

Leave a Comment