INMATE NAMATAY SA MANILA CITY JAIL

PALAISIPAN sa mga awtoridad kung may foul play sa pagkamatay ng isang 69-anyos na inmate o dahil sa sakit sa puso makaraang dumaing ng paninikip ng dibdib noong Sabado ng umaga.

Ang biktimang si Ramon Paguio ay hindi umabot nang buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center nang isugod sa nasabing ospital dakong 7:00 ng umaga noong Enero 10, mula sa kinapipiitan sa Manila City Jail sa Quezon Boulevard, Sta. Cruz, Manila.

Ayon sa record ng pulisya, si Paguio ay nakulong dahil sa kasong acts of lasciviousness at dinidinig ang kaso sa Manila Regional Trial Court.

Nabatid sa report ng pulisya, humingi ng tulong ang ilang kasamahan ng biktima nang dumaing ito ng paninikip ng dibdib.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ni Det. Dennis Suba ng Manila Police District- Homicide Section, hinggil sa insidente habang hinihintay ang resulta ng isinagawang awtopsiya sa labi ng biktima. (RENE CRISOSTOMO)

173

Related posts

Leave a Comment