KOKO NILAMPASO NI ABANTE SA DUTERTE PROBE – NETIZENS

INISMOL o minaliit ng mga netizen si Senador Koko Pimentel sa poll na ginawa ng Facebook page na Thinking Millennials ukol sa ginawang imbestigasyon ng Senado at Kamara kay Pangulong Duterte.

Sa survey, pinapili ang netizens kung sino kina Cong. Benny Abante o Pimentel ang tunay na may tapang at may husay na pamunuan ang hearing sa pag-iimbestiga sa war on drugs ni Duterte.

Sa reaction, lahat ng sumagot ay pinili si Abante at wala man lang bumoto kay Pimentel. Sa comment section, pinutakte ng batikos si Pimentel, na tinawag nilang duwag, walang kokote, at balimbing.

“Abante sakalam, Koko sakanal,” hirit ng isang netizen.”Abante!!!! Enabler dati yan si Koko Pimentel ng War on Drugs tapos biglang against na sya ngayon. BALIMBING,” sabi ng isa pang nagkomento.

Binigyan naman ng isa pang netizen si Koko ng bagsak na grado sa kanyang pangunguna sa Blue Ribbon Committee hearing ukol sa isyu.

Magugunitang nabigo si Pimentel na pigilan ang pagmumura ni Duterte, na tila naging presiding officer na ng pagdinig. Kabaligtaran naman ang nangyari sa Kamara dahil pinagbawalan na agad ni Abante si Duterte na magmura at bastusin ang mga miyembro ng komite.

39

Related posts

Leave a Comment