KONTROBERSYAL TRIGGER HAPPY COP SIBAK NA

KINUMPIRMA kahapon ni Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Benjamin Acorda Jr., na Disyembre pa noong nakaraang taon niya pinirmahan ang dismissal order sa naging kontrobersyal na si Police Lt. Col. Mark Julio Abong.

Si Abong ay naging kontrobersyal matapos mag-amok at magpaputok ng baril sa harap ng isang resto bar sa Quezon City.

Subalit una rito ay nadawit ito sa pagkamatay ng isang pedicab driver na nasalpok ng kanyang sasakyan sa Quezon City.

Ayon kay Gen. Acorda, noong Disyembre 18, 2023 pa niya nilagdaan ang pagsibak kay Abong sa serbisyo.

Nilinaw pa ng opisyal na agad nilang ipinatupad ang dismissal order matapos ibasura ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at National Police Commission (NAPOLCOM) ang apela ni Abong kaugnay sa hit and run incident na kinasangkutan nito noong isang taon na nagresulta sa pagkamatay ng binangga nitong tricycle driver at ikinasugat ng pasahero nito na tinangka pang i-cover up.

Dahil sa dismissal, hindi na matatanggap ni Abong ang kanyang mga benepisyo.

(JESSE KABEL RUIZ)

125

Related posts

Leave a Comment