KOREANO NATAGPUANG NAKABIGTI SA CONDO

NATAGPUANG nakabigti sa loob ng isang condominium ang isang 57-anyos na South Korean national sa Barangay 697, Malate, Manila noong Huwebes ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Sung Dal An, nanunuluyan sa Unit 2406, Bay Area Suites sa nasabing lugar.

Base sa ulat na isinumite ni Det. Dennis Suba kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District Homicide Section, bandang alas-6:15 ng umaga nang madiskubre ang biktima habang nakabigti sa accordion room divider, gamit ang kable ng kuryente sa kanyang silid.

Hinihinalang may ilang araw nang patay ang biktima dahil masangsang na ang amoy nito.

Ayon sa kaibigang babaeng KTV bar assistant manager, simula noong noong Enero 8 ay tinatawagan niya ang cellphone ng biktima ngunit hindi ito sumasagot.

Bunsod nito, naisipan niyang puntahan ang unit ng biktima ngunit naka-lock ito.

Dahil ito, binuksan niya ang silid gamit ang duplicate key ngunit natagpuang nakabigti ang biktima at wala nang buhay.

(RENE CRISOSTOMO)

40

Related posts

Leave a Comment