LALAKI TUMALON SA RILES NG LRT 1

MASUSING inaalam ng mga awtoridad kung bakit naisipang tumalon ng isang 26-anyos na pasahero ng Light Rail Transit 1 sa Southbound lane ng Blumentritt Station, noong Sabado ng umaga sa Rizal Avenue, Sta. Cruz, Manila.

Naputol ang kaliwang paa, mula sa ibaba ng tuhod, nasugatan sa ulo at sa balikat ang biktimang si Reggie Sudaria ng Parañaque City.

Base sa ulat na nakarating kay Police Lieutenant Colonel Ramon Czar Solas, commander ng Manila Police District-Jose Abad Santos Police Station 7, bandang alas-5:00 ng hapon nang iparating ng Jose Reyes Memorial Medical Center ang hinggil sa insidente.

Nauna rito, bandang alas-6:00 ng umaga, naghihintay ng tren ang mga pasahero sa Blumentritt Station papuntang Baclaran.

Pagsapit sa istasyon ng tren nang bigla umanong tumalon ang biktima. Agad namang nag-emergency break ang operator na si Francis Emprese, ng tren na may body number LRV 1212- 09.

Mabilis itong bumaba at ang mga security guard na isinugod ang biktima sa pagamutan.

(RENE CRISOSTOMO)

176

Related posts

Leave a Comment