LGUs PINAGHAHANDA SA HAGUPIT NI ‘KRISTINE’

KINALAMPAG ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng local government units laban sa Tropical Storm Kristine.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni DILG Secretary Juanito Victor Remulla Jr. na ang pagkilos ay bilang tugon sa naging direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos na maghanda ang bansa sa epekto ng bagyo.

“All units have been mobilized. All local government units have been informed,” ang sinabi ng Kalihim.

Sa kabila ng pagiging ‘unpredictable’ ng tropical storm, sinabi ni Remulla na ang lahat ng LGUs at civil defense units ay nasa ‘top of the situation.’

Tinukoy pa ni Remulla na ang rekomendasyon na suspendihin ang klase ngayong araw Oktubre 22 at 23 ay ipinalabas na sa LGUs sa Metro Manila at sa buong Luzon seaboard.

Suspendido rin aniya ang seacraft schedules.

Kasabay nito, tiniyak ni Remulla na nakahanda na ang evacuation areas at relief goods. (CHRISTIAN DALE)

41

Related posts

Leave a Comment