(NI SAMANTHA MENDOZA)
NAG-IWAN ng sangkatutak na basura ang may 15,000 katao na nag-Pasko sa Rizal Park, hanggang kahapon ng madaling araw.
Mag-alas 6:00 ng umaga nang tumambad sa mga sweeper ng MMDA at National Parks Development Committee (NPDC), ang napakaraming kalat sa iba’t ibang bahagi ng Rizal Park.
Pawang mga pinagkainan tulad ng bote ng mineral water, soft drinks, plastic cups, paper plates, styrofoam at iba pang mga basura na iniwan na lamang sa may damuhan at sa paligid mismo ng monumento ni Dr .Jose Rizal.
Ito umano ay sa kabila ng panawagan ng pamunuan ng NPDC na huwag magkalat ang publiko at iuwi na lamang ang kanilang mga basura.
Ito ay sa kabila rin na may mga inilagay na mga basurahan sa iba’t ibang bahagi ng Parke
Bago mag alas 12 ng tanghali ay naalis naman ng mga sweeper ang sandamakmak na basura sa paligid ng Rizal Park kung saan may dalawang truck na basura ang nailabas sa parke.
201