345-K TRABAHO NAGHIHINTAY SA JAPAN

japan

(NI BERNARD TAGUINOD)

IHANDA na ang mga papeles kung nais makapag-trabaho sa Japan dahil nangangailangan ang bansang ito ng 345,000 Pinoy workers.

Dahil dito, umapela si Eastern Samar Rep. Ben Evardone sa Department of Labor (DoLE) at Department of Foreign Affairs (DFA) na paghandaan ang bagong oportunidad na ito ng mga Filipino.

“DoLE and DFA should prepare as Japan is set to hire 345,000 workers in the next five years,” ani Evardone sa isang pahayag.

Ayon kay Evardone, 14 industriya sa Japan ang kukuha ng mga Pinoy workers na kinabibilangan ng nursing care at janitorial work.

Kasama rin sa mga pagdedeployan ng mga overseas Filipino workers ang manufacturing, hotel industry, agriculture at fishing, food processing at food services.

Nais ni Evardone na ngayon pa lamang ay kailangan nang maghanda ang mga ahensyang ito ng gobyerno upang hindi mawala sa mga Pinoy ang oportunidad.

282

Related posts

Leave a Comment