(NI ABBY MENDOZA)
SA pagsisimula ng pagdinig ay humingi ng sa publiko at inako ng Manila Water ang naranasang krisis at kanila umanong tinatanggap ang galit ng mga customer.
“I am holding myself accountable for the sudden drop in our service levels to your constituents, whom we have consistently served over the past 21 years with 24/7 water availability and sufficient water pressure,” pahayag ni Manila Water President Ferdinand Dela Cruz.
Sa mga susunod na araw ay unti unti na umanong madaragdagan ang kanilang supply dahil makakukuha na ng 2 million liters kada araw ang Manila Water sa Maynilad.
Pagsapit ng Abril ay madaragdagan pa ito ng 30 million liters hanggang sa tuluyang maging 50 million liters na ang maibigay sa kanila ng Maynilad na sapat para bigyan ng supply ang 50,000 kabahayan.
“The supply deficit will be halved by April and will be reduced further to 15 percent by May,” paliwanag ni dela Cruz.
Aniya, ang kakulangan sa tubig ay nagsimula nang umabot sa pinakamababang level ang tubig sa La Mesa Dam na kanilang pinagkukunan ng karagdagang supply.
“Without this we cannot fully serve the peak demand at sufficient pressure,” dagdag pa nito.
IMBESTIGASYON SESENTRO SA PAGHAHANAP NG SOLUSYON-SPEAKER ARROYO
TINIYAK ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na hindi batuhan ng sisi ang sentro ng gagawing House Inquiry kaugnay sa nararanasang krisis sa tubig kundi tututukan nila ang paghahanap ng solusyon upang maibsan na ang kalbaryo ng mga residente.
Alas 7:00 ng umaga sinimulan ang joint hearing ng House Committees on Metro Manila Development ni Quezon City Rep. Winnie Castelo at Housing and Urban Development ni Chair Alfredo Benitez na sinurpervise mismo ni Arroyo bago ito tumulak patungong Bohol para sa isang commitment.
132