KUYA ESCORT: TOTOO BANG MAY UTANG NA P100,000?

ion12

LOURDES C. FABIAN(NI LOURDES FABIAN)

MASUWERTE si Kuya Escort Ion Perez dahil na-link siya kay Vice Ganda kaya hayun, made na agad siya.

Ganun lang kadali para makilala siya ng publiko. Mala-king tulong ang exposure niya araw-araw sa “It’s Showtime” para mabilis siyang mapansin at makilala ng mga tao.

At ngayong sikat na siya, heto at lumabas na ang isyung hinahabol siya ng isang gay friend dahil sa utang niyang P100,000? Totoo ba ito, Ion?

Hindi pa man naipapalabas (o ipapalabas pa kaya?) ang sabi’y pag-amin nila ni Vice sa tunay nilang relasyon, ay heto at naiintriga na agad si Kuya Escort.

Kumikita na ngayon si Ion dahil isinasama na siya ni Vice sa mga shows niya abroad kaya kung totoo ngang may nahiram siyang P100k ay kaya na niya itong bayaran. Hindi dapat kabahan ang kanyang gay friend lalo pa’t andyan naman si Vice na siguradong hindi pababayaang makaladkad ang pangalan ni Ion sa halagang P100k lang.

Maneng-mane sa kanya yan, ‘di ba naman Ion?

 

231

Related posts

Leave a Comment