MEDICAL MISSION NG PAFR MATAGUMPAY

MATAGUMPAY na naisakatuparan ang buwanang libreng gamutan ng Philippine Air Force Reserve Command (PAFR) sa pamumuno ni 1st Air force Wing Reserve Commander BGen Charito Plaza, 12th Air Force Group Reserve (AFGR) Commander LTCol Donald Patrick Lim at Deputy Group Commander Major Celerino Umandap.

Sumabak ang 61 unipormadong reservist ng Philippine Air Force sa pagbibigay ng libreng gamutan para sa mga parokyano ng San Andres Apostol Parish Church na sumasakop sa Pasig City at Cainta, Rizal.

Higit 100 katao ang nakatangap ng libreng gamot, laboratory test at X-ray sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang organisasyon ng simbahan kabilang ang Catholic Women’s League , Knights of Columbus at ang Parish Pastoral Council.

186

Related posts

Leave a Comment