(NI ABBY MENDOZA/PHOTO BY JHAY JALBUNA)
MAKARARANAS ng bahagyang maalinsangang panahon sa bansa ngayong linggo dahil sa monsoon break o paghina ng hanging amihan.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration(PAGASA) dahil sa monsoon break ay eaterlies ang umiiral na weather system o maalinsangang temperatura gayunpaman panandalian lamang ito at sa susunud na linggo ay makararanas muli ng malamig na panahon.
Sinabi ni Pagasa weather specialist Aldczar Aurelio na sa buong Pebrero pa din inaasahan na iiral ang hanging amihan.
DahIl sa monsoon break nabawasan ang lamig ng panahon na nararanasan sa Baguio City na kahapon ng alas 5:00 ng umaga ay naitala sa 14.4 degree celsius,matatandaan na noong Enero 30 ay pumalo sa pinakamalamig na 9 degree ang temperatura sa Baguio City.
Wala namang inaasahang sama ng panahon sa buong buwan ng Pebrero.
Kahit bahagyang humina ang Amihan, nagdudulot pa rin ng lagpas apat na metrong alon sa Eastern seaboard ng Luzon at Visayas kayat patuloy na nakataas ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag ng malililiit na sasakyang pandagat.
329