MULTA SA ILLEGAL PARKING TATAASAN NG MMDA

MMDA ILLEGAL PARKING

SIMULA bukas, January 7, magtataas ng multa sa illegal parking ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ang mga attended vehicle na illegal na nakaparada ay pagmumultahin na ng P1000 mula sa dating P200.

Nasa P2000 naman ang multa sa mga unattended vehicle mula sa dating P500.

Tinaasan din ng MMDA ang multa sa traffic obstruction na ngayon ay nasa P1,000 na dati ay P150 lamang.

Pinaalalahanan naman ng ahensiya na posibleng pagmultahin ang mga motorista na magpaparada sa labas ng kanilang bahay subalit hindi saklaw nito ang mga nakatira sa mga pribadong subdivision.

326

Related posts

Leave a Comment