OBRERO ITINUMBA NG DRUG PERSONALITY

PATAY ang isang construction worker na makikipagkita sa kanyang kaibigan matapos pagbabarilin ng isang hinihinalang drug personality sa Malabon City, nitong Biyernes ng madaling araw.

Dead on the spot si Joben Ortega, 29, ng Gozon Compound, Phase 5, Brgy. Tonsuya, Malabon City sanhi ng tama ng bala sa katawan habang mabilis namang tumakas sa hindi matukoy na direksyon ang suspek na kinilalang si Robert Andilab ng #272 Phase 2 Lupa, Gozon Compound makaraan ang insidente.

Sa imbestigasyon nina P/MSgt. Julius Mabasa at P/SSgt. Ernie Baroy, dakong alas-3:35 ng madaling araw, naglalakad ang biktima sa kahabaan ng Gozon Compound para makipagkita sa kaibigan na si alyas “Titang” nang bigla na lamang sumulpot sa kanyang likuran ang suspek at dalawang beses itong pinaputukan sa katawan.

Ayon kay Malabon police chief, P/Col. Jessie Tamayao, ang insidente ay nasaksihan nina Renante Alvarez, 45, at Jeramie Redira, 34, kapwa pedicab driver, ng Gozon Compound, na kinilala si Andilab bilang nag-iisang gunman na pumatay sa biktima.

Patuloy ang follow-up operation ng Malabon Police Community Precinct (PCP) 8, sa pangunguna ni P/Capt. Carlos Cosme, Jr., para maaresto ang suspek na kilala umanong drug personality habang inaalam pa ang motibo sa krimen . (FRANCIS SORIANO)

81

Related posts

Leave a Comment