OFW NAG-SUICIDE

(Ni CHE ALMADIN)

Palaisipan pa sa mga awtoridad ang pagpapakamatay ng isang overseas Filipino worker (OFW) na natagpuang nakabitin gamit ang isang abaca rope sa loob ng kanilang bahay sa Lungsod ng Caloocan kamakalwa ng gabi.

Nangingitim at wala nang buhay na nakabigting paluhod nang matagpuan ang biktimang si Sheryl Dauz, 31 anyos ng kanyang kinakasamang si ni Albert Encipido, 31 anyos.

Sa ulat ni PO1 Ryan Albert Dapadap ng Caloocan City Police Community Precint VI , lumitaw na natagpuan ang biktima  alas 9:45 ng gabi nang ang kanyang kinakasama na nakapalupot sa kanyang leeg ang kabilang dulo habang ang kabila pa ay nakatali sa steel brace ng kanilan kisame.

Agad itong humingi ng saklolo sa kanilang mga kapitbahay namabilis ding tumawag sa kanilang barangay, ngunti hindi na ring nagawa  pang maisugod sa pagamutan ang biktima at tulyan na itong binawian ng buhay.

Walang ideya ang kinakasama ng biktima sa kung ano ang posibleng dahilan nito ng pagpapakamatay habang patuloy pa pagsasagawa ng imbestigasyon ng pulisya  upang masiguro na walang naganap na foul play sa nasabin insidente.

7

Related posts

Leave a Comment