P.5-M DROGA NASABAT SA 2 TULAK

BINITBIT ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District- Barbosa Police Station 14, ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraang makumpiskahan ng P.5 milyong halaga ng umano’y shabu sa buy-bust operation sa Rawatun Street, Barangay 648, San Miguel, Manila noong Martes ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Fatima Enriquez, 24, ng nabanggit na lugar, at alyas “Darrel”, 46-anyos.

Ayon sa ulat na isinumite ni Police Major Gil John Lobaton, hepe ng SDEU, kay Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, station commander, bandang alas-11:30 ng gabi nang magkasa ng buy-bust operation ang mga awtoridad sa nasabing lugar na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang mahigit 222 gramo ng hinihinalang shabu na katumbas ng halagang P1,509, 600.

Kapwa nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

(RENE CRISOSTOMO)

167

Related posts

Leave a Comment