P155-M KINITA NG ONLINE SCAMMERS – DILG

INIHAYAG ni Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr., sa loob lamang ng walong buwan, mula Enero hanggang Agosto, ay kumita ang online scam artists ng mahigit P155 million.

Ibinulgar ni SILG Abalos na tinatayang nasa 8,000 ang online scam victims sa buong bansa at nasa P155 million ang naloko o ninakaw sa kanila ng iba’t ibang con artists na gumagamit ng iba’t ibang modus operandi.

Inihayag ni Abalos, nakuha niya ang hawak na datos mula mismo sa Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG), na walang tigil sa kanilang kampanya kontra online scammers na wala ring tigil sa pag-update o pag-iisip ng kanilang gagamiting dirty tricks para lamang makapanlinlang.

Ang nasabing pahayag ay ginawa ng kalihim sa isinagawang paglalagda sa memorandum of agreement sa pagitan ng kalihim at ni Securities and Exchange Commission (SEC) Chairperson Emilio Aquino.

Ang MOA ay binalangkas para suportahan ang kampanya ng SEC laban sa financial scams, partikular sa kanilang Anti-Scam and Illegal Taking of Investments Group (ASTIG).

“This partnership is very timely as we need to educate the public about the fast-growing menace of investment frauds,” ani Abalos.

Nabatid na magtutulungan ang SEC at DILG para armasan ng kaalaman ang mga Filipino hinggil sa financial principles upang maiwasan ang mga patibong at techniques ng investment scams.

Ayon kay Aquino, “I am confident that the DILG, as purveyor of excellence in local governance, will be a key driving force to the network’s greater success.”

(JESSE KABEL RUIZ)

 

204

Related posts

Leave a Comment