PAGBABA NG INFLATION DAPAT PAGTULUNGAN – ROMUALDEZ

IGINIIT kahapon ni House Speaker Martin Romualdez na dapat magtulungan ang lahat upang tuluyan pang mapababa ang inflation rate.

Pananaw ito ng House leader matapos bumaba sa 1.9 percent ang inflation ng bansa noong Setyembre.

Ayon kay Romualdez, hindi lang dapat ang Pangulong Marcos at iba pang sangay ng pamahalaan ang kumilos para bumaba ang inflation ng bansa o pagmumura ng mga bilihin kundi pati ang pribadong sektor.

“Effort ni PBBM yan na pababain ang inflation katuwang ang Kongreso,” aniya. “I believe resulta yan ng pagpababa ng taripa ng imported rice ng pangulo para bumaba ang presyo ng bigas at iba pang bilihin.”

Dagdag pa niya, “ang pagpondo naman ng Kongreso sa social services ng gobyerno, making sure na nabibigyan ng ayuda tulad ng bigas at pera ang mga mahihirap, contributed sa pagbaba ng inflation natin”. “But of course the business sector must also help like wag na mag-hoard para di sumirit ang presyo ng bilihin o kahit konti lang ang kita basta makatulong sa kapwa,” ayon pa sa lider ng Kongreso.

Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA) ang pagsisikap ng pamahalaan para gawan ng solusyon mapababa ang inflation ay nararamdaman na.

33

Related posts

Leave a Comment