PAGBABALIK NI ALICE GUO TAGUMPAY NG JUSTICE SYSTEM – BI

INIHAYAG ng Bureau of Immigration (BI) na ang pagbabalik sa bansa ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ay maliwanag na maituturing na malaking tagumpay sa justice system ng bansa.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, patunay lamang ito na epektibo ang pagtutulungan o kooperasyon ng international counterparts at ng law enforcement agencies ng Pilipinas

Bukod dito, sinabi pa ng komisyuner na nagpapakita rin ito na hindi natitinag ang commitment o mandato ng bansa, para manaig ang hustisya kahit ano pa man ang kinakaharap na balakid.

Magandang senyales din aniya ito at patunay na umiiral pa rin ang sistema ng hudikatura sa ating bansa. (JOCELYN DOMENDEN)

51

Related posts

Leave a Comment