NAGBABALA kahapon ang EcoWaste Coalition sa mga magreregalo ngayong Pasko na tiyaking walang lead content ang mga laruang ibibigay sa mga bata.
Ang paghawak o paglaro ng lead ng mga bata ay delikado sa kalusugan.
Sinabi ng EcoWaste na habang maganda ang hangaring mapasaya ang mga bata sa kapaskuhan, mas masaya umano kung magiging responsable ang mga magbibigay ng aginaldo.
Ang lead ay delikado, nakalalason at nakaaapekto sa mental at physical impairment ng maglalarong bata. Sinabi ng EcoWaste na naglibot sila sa Metro Manila at natuklasang ang mga laruang ibinebenta sa Divisoria ay may mataas na antas ng lead content.
Kabilang sa mga ito ang red and yellow coated “Naruto Shippuden” fidget spinner A tall yellow-painted “Hi,I’m Monkey” vacuum flask A short yellow-painted “Despicable Me” vacuum flask A green “Mickey Mouse” glass cup A yellow “Spongebob” glass cup A “Wonderful” xylophone
Several “Kai Xin” laser toys A mini-xylophone “Funny Toys” lizards Toy farm animals
Inabisusan din ang publiko na huwag magbigay ng manika, soft balls at squeaky toys na gawa sa polyvinyl chloride (PVC) plastic.
205