NAGBABALA kahapon ang EcoWaste Coalition sa mga magreregalo ngayong Pasko na tiyaking walang lead content ang mga laruang ibibigay sa mga bata. Ang paghawak o paglaro ng lead ng mga bata ay delikado sa kalusugan. Sinabi ng EcoWaste na habang maganda ang hangaring mapasaya ang mga bata sa kapaskuhan, mas masaya umano kung magiging responsable ang mga magbibigay ng aginaldo. Ang lead ay delikado, nakalalason at nakaaapekto sa mental at physical impairment ng maglalarong bata. Sinabi ng EcoWaste na naglibot sila sa Metro Manila at natuklasang ang mga laruang ibinebenta…
Read More