MPD NAKAALERTO, 7,200 PULIS IKAKALAT

police 500

UMAABOT sa 7,200 pulis ang ikakalat para bigyang seguridad ng mga deboto sa Translacion ng Black Nazarene sa Miyerkoles. Sa kabuuang bilang, 2,200 ang mula sa Manila Police District habang ang 5,000 iba pa ay mula naman sa mga police district sa metro.

Sinabi ni Metro Manila Police chief Director Guillermo Eleazar na babantayan ng mga pulis ang ruta ng prusisyon ng Black Nazarene at iba pang pangunahing lugar sa Maynila.

Wala din umanong telecommunication signals sa daraanan ng Translacion. Samantala, papayagan namang makalipad ang mga drones sa ruta ng prusisyon basta makipag koorinasyon sa pulisya. Inaasahan ang milyong deboto na dadagsa sa Quiapo sa Miyerkoles para dumalo sa taunang Translacion sa paniwalang nasasagot ng Itim na Nazareno ang maraming kahilingan. Noong nakaraang taon ay umabot sa mahigit anim na milyong deboto ang lumahok sa prusisyon.

4

Related posts

Leave a Comment