Sa FIBA World Cup SEGURIDAD SA MAYNILA KASADO NA

MAGPAPATUPAD ng seguridad ang Manila Police District sa lungsod bagama’t sa Philippine Arena, Araneta Coliseum at Mall of Asia gaganapin ang Fiba World Cup sa bansa na tatagal ng 16 araw mula sa Agosto 25 hanggang Setyembre 10 ng taong kasalukuyan.

Ito ang pahayag ni MPD Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon, bilang paghahanda sa FIBA World Cup.

Tiniyak ni Perez ang ipatutupad na seguridad ng pulisya sa tinatayang 52 manlalaro sa loob ng 16 araw.

Ayon sa heneral, magpapakalat ng mga pulis sa sa iba’t ibang recreational area sa Maynila na maaaring bisitahin ng mga manlalaro, kabilang ang mga mall at iba pang tourist spots.

Habang magpapatupad naman ng Oplan Sita at police checkpoint sa daraanan ng mga atleta at mga bisita.

Magugunitang idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na walang pasok ang lahat ng mga pampublikong paaralan sa Metro Manila at Bulacan, at sa government offices sa nasabing mga lugar.

(RENE CRISOSTOMO)

77

Related posts

Leave a Comment