SCHOOL OPENING ITINAKDA SA SEPTEMBER

0

INANUNSYO ng Department of Education na magbubukas ang klase para sa School Year 2021-2022 sa Setyembre 13, 2021.

Ito’y matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang nasabing petsa mula sa tatlong petsa na inirekomenda ni Education Secretary Leonor Briones.

Una nang ipinanukala ng DepEd na magbukas ang klase sa Agosto 23 ngunit umani ito ng pagtutol sa hanay ng mga guro at mga estudyante habang ang pangalawa naman ay Setyembre 6, 2021.

“We thank the President for his full support to the delivery of quality basic education for the incoming school year,” ayon sa DepEd.

Kaugnay pa rin nito, ang school calendar para sa nalalapit na school year ay ipalalabas ng DepEd sa lalong madaling panahon.

Samantala, gaya ng nagdaang school year, ipatutupad ang blended learning para sa SY 2021-2022 dahil sa COVID-19 pandemic. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment