TORRES IPINALIT KAY CARLOS SA WESCOM

TULUYAN nang sinibak sa kanyang sa puwesto bilang commander ng Armed Forces of the Philippines Western Command si Vice Admiral Alberto Carlos Jr., ang AFP officer na tinukoy ng China Embassy na kausap ng isang Chinese diplomat kaugnay ng ‘new model’ agreement sa West Philippine Sea (WPS).

Kinumpirma mismo ni Department of National Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa kanyang naging talumpati sa harap ng mga tauhan ng Philippine Navy na naka-deploy sa Pag-asa Island, ang opisyal na pagtatalaga sa bagong WESCOM commander.

Ayon sa kalihim, epektibo Mayo 7, 2024 ay opisyal nang nanungkulan bilang acting commander ng AFP Western Command si Rear Adm. Alfonso Torres Jr., matapos maghain ng personal leave si Carlos.

Nilinaw naman ni AFP Public Affair Office chief, Col. Xerxes Trinidad na ang tuluyang pagpalit sa puwesto ni VAdm Carlos ay walang kinalaman sa kumalat na “New Model agreement” na pinalulutang ng Chinese Embassy.

“The designation of Rear Admiral Alfonso Torres Jr. as commander of WESCOM is an administrative decision of the AFP. It is part of the ongoing changes in leadership and key positions within the military which is necessary for the institution to adapt to the evolving security environment and effectively address emerging challenges,” paglilinaw ni Col. Trinidad.

“WESCOM’s critical role requires a full time leader that has more years in service in order to provide continuity and strategic direction. We offer our full support to Rear Admiral Torres and we are confident in his ability to lead with distinction,” dagdag pa ni Trinidad.

Nabatid na kasalukuyang ‘on leave’ pa rin ang status ni VAdm Carlos na nakatakdang magretiro sa darating na Disyembre, ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Padilla.

Ang change of leadership sa Wescom ay bahagi umano ng ongoing changes sa leadership at key positions sa hanay ng buong kasundaluhan na mahalaga para sa kanilang institusyon upang makiangkop at makatugon sa nagbabagong security environment ng bansa,” paliwanag ni Trinidad.

Kaugnay nito, nagpahayag din ng buong suporta ang AFP kay Rear Adm. Torres bilang acting commander ng WESCOM, na isang kritikal na tungkulin na nangangailangan ng isang maaasahan at may kakayahang pinuno. (JESSE KABEL RUIZ)

52

Related posts

Leave a Comment