TRADISYONAL NA TRASLACION POSIBLENG IBALIK NA

POSIBLENG maibalik sa susunod na taon ang tradisyonal na Traslacion ng Itim na Nazareno .

Sinabi ng Simbahan ng Quiapo sa isang abiso nitong Disyembre 15, magkakaroon ng walk-through sa ruta ng “Traslacion” ngayong Sabado.

“We are inviting you on December 16, at 5 am, at the Quirino Grandstand for the walk through of the route of the procession of the traslacion, which is part of our preparations for the celebration of Nazareno 2024,” saad sa kanilang advisory.

Kasama sa aktibidad ang mga opisyal ng simbahan, ahensya ng gobyerno at iba pang stakeholders sa Kapistahan ng Itim na Nazareno sa Enero 9, 2024 na dinadaluhan ng milyong deboto.

Nagsisimula ang Traslacion sa Quirino Grandstand sa Rizal Park at natatapos sa Simbahan ng Quiapo .

Natigil ang Traslacion noong 2021 dahil sa COVID-19 pandemic ngunit isinagawa ang Walk of Faith nitong 2023.

(JOCELYN DOMENDEN)

 

121

Related posts

Leave a Comment