TRASLACION USAD-PAGONG SA MILYONG DEBOTO

Traslacion by Kin Lucas

(NI JET D. ANTOLIN/PHOTO BY KIN LUCAS)

MABAGAL na pag-usad ng prusisyon ang inaasahan hanggang mamayang hatinggabi kasabay ng hindi na halos mahulugang karayom na deboto na lumahok sa taunang prusisyon ng Itim na Nazareno.

Hanggang kaninang alas-6 ng umaga ay umaabot na sa halos kalahating milyon ang debotong dumagsa sa Quirino grandstand para masilayan ang milagrosong Itim na Poon ng Nazareno na sinasabing nagpapagaling sa mga sakit at tumutupad sa kahilangan ng deboto.

Mahigit naman sa 200,000 katao ang nagpasyang matulog sa Luneta Park para makauna sa prusisyon at makalapit sa Poon.

Tulad ng nakagawian, ang bultu-bultong deboto ay naghahagis ng tuwalya o panyo para maipunas sa Poon na para sa kanila ay nakapagpapagaling ng karamdaman. Siksikan ang mga tao at bahagya pang nagkakatulakan para lamang makalapit at maabot kahit ang karo man lang ng Itim na Nazareno.

Halos isang oras ang inabot bago mailabas ang Poon at makaalis ng Quirino grandstand dahil sa makapal na tao. Libu-libong pulis at sundalo ang ikinalat maging sa ilog na daraanan ng prusisn ang nakaalerto upang maiwasan ang aberya.

Wala ring signal ng cellphone, no flying at sailing zones na sa mga daraanan ng 6.5 kilometrong prusisyon. Kanina ay nakapagtala na ng minor incidents tulad ng pagkahimatay ng ilang deboto at dahil nakayapak ang mga ito, hindi rin maiwasan na makaapak ng matalim na bagay at magdugo ang mga paa, ilan din ang tumaas ang presyon dahil sa init at siksikan.

Patuloy ding nanawagan ang kapulisan na huwag nang magdala ng importanteng gamit na posibleng mawala sa prusisyon dahil ito rin ang pagkakataong ginagawa ng masasamang elemento upang makapambikima ng mga kasama sa prusisyon.

150

Related posts

Leave a Comment