TAOS-PUSONG nagpapasalamat ang mga anak ni Ginang Caridad Teshiba Tulfo sa lahat ng nakiramay, nagpadala ng bulaklak, nagbigay ng abuloy, donasyon sa foundation at mga tumulong para sa maayos na limang araw na lamay hanggang sa maihatid ang labi ng kanilang ina sa huling hantungan sa Heritage Memorial Park sa Taguig City.
Ayon kay Cong. Erwin Tulfo, “we would like to thank everyone who joined us in our moments of sorrow”.
“Maraming, maraming salamat po sa inyong lahat na nakidalamhati sa amin na kahit papano ay pinawi ninyo ang lungkot na naramdaman ng aming pamilya dahil sa pagpanaw ng aming ina,” ayon kay Cong. Tulfo.
Humingi rin ng pang-unawa ang pamilya sa mga motorista na maaaring naabala dahil sa funeral procession ng labi ng kanilang ina mula Quezon City hanggang Taguig noong Linggo ng umaga.
Ayon kay Sen. Raffy Tulfo, “we sincerely apologize for any inconvenience that may have caused to some motorist yesterday due to the funeral procession”.
Si Mommy Caridad ay pumanaw noong Martes, August 27, sa edad na 97 dahil sa natural na kadahilanan. Naiwan ni Nanay Caring ang kanyang mga anak na sina Ramon Junior, Tuchi, Wanda, Ben, Bong, Joseph, Raffy, Erwin, at Edelle.
54