US EMBASSY SINABUYAN NG PINTURA

ARESTADO ang ilang kababaihan na kabilang sa grupo ng mga kabataang aktibista, makaraang sabuyan ng pintura sa harap ng US Embassy sa Maynila, nitong madaling araw ng Huwebes.

Ayon sa ulat ng pulisya, humalo  sa joggers sa Baywalk ang mga raliyista na mga miyembro ng  ng Anakbayan at League of Filipino Students, at nang makalapit sa embahada ay sinabuyan ito ng pintura.

Isang pulis ang tinamaan ng inihagis na mga plastik na may lamang pintura.

Tinangka rin nilang sulatan ang pader ngunit itinaboy sila ng mga pulis gamit ang mga shield nito.

Nagkaroon ng girian sa pagitan ng mga pulis at isang babaeng raliyista na inaresto rin at dinala sa presinto.

Ang 10 minutong kilos-protesta na isinagawa ng grupo ay naglalayong kondenahin ang defense agreement ng Pilipinas at Amerika.

Nais ng mga raliyista na huwag nang pahintulutan ang pagsasagawa ng joint exercises ang mga hukbo ng dalawang bansa sa loob ng Pilipinas. (DAHLIA ANIN)

160

Related posts

Leave a Comment