VIDEO NG PAGBOMBA NG TUBIG SA PCG, IBINIDA NG CHINA

PARANG nakakalalaki ang Chinese Coast Guard nang ipakita sa mga Filipino ang mga video ng kanilang pambomba ng tubig at umano’y ginawang delikadong maneuvers nito sa barko ng Pilipinas habang patungong Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.

Ayon sa Philippine Coast Guard, sa isang video, makikita ang CCG vessel na binobomba ng tubig ang direksyon ng PCG vessel habang sa isa namang video ay makikita mismo ang CCG vessel sa harap ng barko ng Pilipinas na nakaharang sa kanilang daraanan.

“Such actions by the CCG not only disregarded the safety of the PCG crew and the supply boats but also violated international law, including the 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), the 1972 Convention on the International Regulations for Preventing Collisions at Sea (COLREGS), and the 2016 Arbitral Award,” sabi ni PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela

Nananawagan ang PCG sa China Coast Guard na pigilan ang mga puwersa nito, igalang ang mga karapatan ng Pilipinas sa eksklusibong sonang pang-ekonomiya at continental shelf, iwasang hadlangan ang kalayaan sa paglalayag, at magsagawa ng naaangkop na aksyon laban sa mga indibidwal na sangkot sa labag sa batas na insidenteng ito,

Noong Linggo, iniulat ng PCG na gumamit ng water cannons ang CCG laban sa kanilang barko patungong Ayungin Shoal para sa resupply mission.

Nabatid na iniiskortan ng PCG vessels ang mga bangka na mula sa

Armed Forces of the Philippines (AFP) para maghatid ng pagkain, tubig, fuel, at iba pang supplies sa mga tropa ng pamahalaan na naka-istasyon sa BRP Sierra Madre.

Sinuportahan naman ng Estados Unidos ang Pilipinas hinggil sa

latest attack ng CCG laban sa PCG vessels, sinabing ito ay direktang pagbabanta sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.

(RENE CRISOSTOMO)

228

Related posts

Leave a Comment