MARAMING volunteers ang kailangang ngayon ng Philippine Red Cross para sa paglaban kontra tigdas.
Ang mga volunteers, ayon kay Dr. Susan Mercado, Deputy Secretary General ng Red Cross’ Centers for Health and Humanitarian Action, ay makatutulong sa pagdistribute ng mga anti-measles vaccine at pagtayo ng mga hospital tents.
Hanggat maaari ay makatutulong ang mga retirado at aktibong mga doktor, nurse, midwife at kailangan para sa pagdagsa ng mga batang nadapuan ng tigdas.
Nakipag-ugnayan na rin sila sa mga health departments para sa pagtayo ng 100-bed emergency medical unit and welfare desk sa San Lazaro Hospital dahil sa kakulangan ng mga hospital bed bunsod ng paglobo ng mga nadapuan ng tigdas.
Sa kasalukuyan ay pinapayuhan ng gobyerno na sundin ang libreng pagbakuran sa mga bata para maiwasang magkasakit ng tigdas na patuloy na kinokontrol ng gobyerno.
147