MGA DAPAT TANDAAN PARA MAIWASAN ANG CANCER

Ni Ann Esternon

Sa panahon ngayon na maraming gastusin at maraming umaasa sa atin kailangang maging maingat tayo sa ating kalusugan.

Kahit hindi panahon ng krisis, alam nating kaliwa’t kanan ang mga sakit tulad ng cancer na maaaring umatake sa atin lalo na kung wala tayong pag-iingat.

Kailangan ding ingatan ang sarili para ma-enjoy pa ang buhay lalo na sa mga kumakayod.

Ito ang ilan sa mga dapat tandan para makaiwas sa cancer

– Magkaroon at imantina ang malusog na pangangatawan at timbang. Apektado ng pagkain, lalo na kung sobrang dami, ang ating katawan.

– Kailangang gumalaw-galaw o mag-ehersisyo. Hayaang maging aktibong gumalaw ang katawan at iwasan ang pagiging tamad. Kahit may cancer na ay kailangang mag-ehersisyo na paalala ng doktor dahil kailangang dumaloy ang dugo sa lahat ng parte ng katawan.

– Kumain ng masustansyang mga pagkain partikular ang mga gulay at prutas. Mas maganda kung mayroon kayong plant-based diet para mas siguradong may nutrisyon ang inyong kinakain at tanggalin na mismo ang karne. Maaaring mag-isda at kaunti na lamang seafood. Sa paraang ito ay ibaba ang kolesterol sa katawan, alta presyon, at maging ang blood sugar.

– Mahalaga ang soy foods sa katawan tulad ng taho, tofu o tokwa, at soy milk. Ang mga pagkaing ito ay hindi nakaka-arthritis kaya walang dapat na ipag-alala.

– Iwasan ang red meat (baboy, baka), at processed meat

– Iwasan ang alcoholic drinks dahil napatunayan na itong nagiging sanhi ng liver cancer, liver cirrhosis.

– Bawasan ang asin o maaalat na mga pagkain.

– Para sa mga nanay, mahalaga na mapasuso ang inyong sanggol.

– Kailangang kumain ng mga pagkaing may fiber na nakukuha sa mga prutas at mga gulay. Ang fiber ay makakatulong para sa mabilis na paggalaw ng ating bituka.

558

Related posts

Leave a Comment