NAKAKABAHALA na ang sunod-sunod na insidente ng pagpapatiwakal sa bansang Kuwait. Bukod sa ilang Filipino, mayroon ding mga ibang lahi na mula sa India at Nepal ang nasa listahan na rin ng mga kaso ng nagpatiwakal.
Kahapon ay isa na naman kabayani mula sa Ha walli, Kuwait ang nagpatiwakal.
Bagama’t siya ay sinusubaybayan ng kanyang mga malapit na kaibigan, ahensya at pamilya dahil sa nakalipas na pagtatangka sa buhay nuong nagdaang mga araw ay nagawa pa rin niyang tu luyang kitilin ang kanyang buhay.
Isa sa itinuturong dahilan ay ang kanyang labis na pangamba at takot na siya ay positibo sa COVID-19 virus kahit pa ang naging resulta ng kanyang swab test ay ne gatibo.
Maging ang mga eksperto sa Kuwait ay nagpahayag na rin ng pagkabahala dahil diumano simula nang magkaroon ng COVID-19 ay sunod-sunod na ang nagpapatiwakal na hindi naman normal na nagaganap sa nasabing bansa.
Itinuturong dahilan ng mga eksperto sa pagtaas ng kaso ng “suicide” o pagpapatiwakal ay ang pagkabalisa o an xiety at depresyon. Kabilang sa dahilan ay ang labis na pangamba sa pagkakaroon ng sakit, problema sa pamilya, problemang pinansyal dahil sa pagkawala ng trabaho at labis na kalungkutan sa loob ng apat na sulok ng kanilang tirahan.
Sa totoo lang ay talaga naman nakakapangamba ang pagkakaroon ng sakit dulot ng COVID-19 virus. Maging ako ay nakakaranas ng anxiety o pagkabalisa sa tuwing ako ay lumalabas ng aking tahanan at napapahalubilo sa lugar na maraming tao. Kapag nakara ting na ako sa aking tahanan ay pakiramdam ko ay may makati agad sa aking lalamunan at lagi kong pinapakiramdaman ang aking temperature.
Ang ganitong labis na pagkabalisa at pangamba kapag hinayaan na lumala ay malamang na maging dahilan ng tinatawag na “panic attack” o labis na takot o pagkataranta na sanhi ng mabilis na pagtibok ng puso, labis na pagpapawis, panginginig, igsi ng paghinga, pamamanhid at pakiramdam na may masamang mangyayari.
Kung mawawalan ng kontrol sa pangamba ang isang indibidwal ay malamang na tuluyan itong maging isang panganib sa kanyang kaisipan.
Marahil ay napapanahon na pasimulan ng mga OFW at iba’t-ibang organisayon sa Kuwait at maging sa iba pang parte ng Gitnang Silangan ang pagkakaroon ng Oplan: Kamustawanan na kung saan ay hihikayatin ang bawat OFW na tawagan at kamustahin ang kanilang bawat kakilala at kaibigan.
Layunin nito na magbigay ng konting kasiyahan at tawanan at alamin ang katayuan ng bawat isa.
