MINDORO NIYANIG NG MAGNITUDE 5.7 LINDOL

NIYANIG NG magnitude 5.7 na lindol ang Looc, Occidental Mindoro bandang ala-1:12 kahapon ng madaling araw.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naramdaman din ang Intensity 4 na paggalaw ng lupa sa iba pang mga lugar, kabilang ang mga sumusunod:
· Batangas – Calatagan, Lian, Lipa City, Malvar and Nasugbu
· Bulacan — Malolos at Obando
· Cavite — General Trias, Naic, Amadeo, Bacoor, Dasmarinas, Tagaytay City, Tanza at Cavite City
· Laguna – Biñan at Cabuyao

Gayundin ang lakas ng lindol sa Las Pinas, Malabon, Mandaluyong Maynila, Marikina, Muntinlupa, Paranaque, San Juan City, Taguig, Pateros sa Metro Manila at mga bayan ng Abra De Ilog, Looc, Lubang at Mamburao sa Occidental Mindoro.

Maging sa Baco, Naujan at Puerto Galera sa Oriental Mindoro ay naitala ang Intensity 4 na pagyanig kasama ang mga bayan ng San Mateo at Taytay sa Rizal.

Intensity 3 naman sa Santo Tomas (Batangas) Sta. Cruz (Occ. Mindoro), Socorro (Or. Mindoro), Antipolo City (Rizal) at nalalabing lungsod sa national capital region.

Intensity 2 naman sa Los Baños, Laguna at Palayan City, Nueva Ecija.

Samantala, mas mahinang pagyanig naman ang naitala sa Arayat Pampanga na sumukat lamang ng Intensity 1, ayon sa PHIVOLCS. (LILY REYES)

178

Related posts

Leave a Comment