CAVITE – Siyam katao, kabilang ang isang menor de edad, ang binitbit ng Cavite Police sa isinagawang buy-but operation sa Bacoor City sa lalawigang ito.
Kinilala ang mga arestado na sina Cesar Cunanan, 51; Christian Cunanan, 43; alyas Dennise, 17; Florminio Aguilar, 38; Cris Cristobal, 55; Joyce Ann Menimino, 35; Lester John Bejano, 26; Patrick Awing, 40, at Hernando Posto, 39, pawang mga residente ng Bacoor City.
Ayon sa ulat ni P/SSgt. Ernesto Dasalla Jr., ng Bacoor City Police, alas-9:45 noong Sadabo ng gabi nang magkasa ng buy-bust operation sa Brgy. Maliksi 1 ng nasabing lungsod na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto sa mga suspek at nakumpiska ang 6 gramo ng shabu na tinatayang P40,800 ang street value, drug paraphenalia at buy-bust money.
Ang mga arestado ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (SIGFRED ADSUARA)
155 