MPN AARANGKADA NA

AARANGKADA na ang Mobile Number Portability Act (MNPA) simula Setyembre 30. Kasunod nito, pinaalalahanan ni Senador Win Gatchalian ang mga telecommunications companies na

ingatan ang mga personal na impormasyon ng mga mobile subscriber, siguruhin ang cybersecurity at maglatag ng sapat na mekanismo para sa kapakanan ng mga konsyumer habang nagpapalit ng service provider.

“Sa panahon ngayon na talamak ang iba’t ibang modus gamit ang mga online at mobile application platforms, importante na sinisiguro natin sa mga subscriber na mahigpit ang pagtalima ng telcos sa Data Privacy Act na kaakibat ng batas na ito at hindi mapapasakamay ng mga hindi awtorisadong tao ang kanilang personal data,” ani Gatchalian, may-akda ng Republic Act No. 11202 o ang Mobile Number Portability Act.

Hinikayat ni Gatchalian ang National Telecommunications Commission (NTC) at ang National Privacy Commission (NPC) na pangasiwaan ang tamang pagpapatupad ng batas na nagpapahintulot sa mobile phone subscribers na lumipat sa ibang service providers nang hindi na kinakailangan pang magpalit ng numero ng kanilang telepono at magbayad ng interconnection fees.

Hinimok din ng senador ang mga kinauukulang ahensya na siguruhing mapoproteksyunan ang kapakanan ng mga subscribers at iwasang isapubliko ang kanilang mobile numbers nang walang pahintulot. (ESTONG REYES)

138

Related posts

Leave a Comment