Mungkahi ng solon: Senior high, college studes PABALIKIN NA SA CAMPUS

UMAPELA ang isang mambabatas sa Kamara sa Inter-Agency Task Force (IATF) na pabalikin na sa eskuwelahan ang mga senior high school at maging ang mga college student ngayong summer.

Ginawa ni Misamis Oriental Rep. Juliette Uy ang apela sa IATF, lalo na sa mga lugar na nasa ilalim ng moderate general community quarantine (MGCQ) basta ipatupad ang minimum health protocols.

“College classes should be allowed because the college students and faculty have long been within the age range of Allowed Persons Outside of Residence or APOR,” ayon pa kay Uy.

Kasama rin sa nais ng mambabatas na payagang magkaroon ng face-to-face classes ang mga senior high school dahil edad 17 hanggang 18 na ang mga ito.

Gayunpaman, hindi umano dapat alisin ang online classes sa mga estudyante para magkaroon ng opsyon ang mga magulang.

GURO UNAHIN
SA BAKUNA

Kasabay nito, hiniling din ng mambabatas sa IATF na isama ang mga guro, professors at faculty members sa mga unang babakunahan ngayong Pebrero pagdating ng unang batch ng COVID-19 vaccines.

“They should be vaccinated in February or March or as soon as the first batches of the COVID-19 vaccines arrive,” ayon pa sa mambabatas.

Naniniwala ang lady solon na makatutulong ang face-to-face classes upang makabawi ang ekonomiya na nalugmok dahil sa pandemya sa COVID-19 mula noong Marso 2020. (BERNARD TAGUINOD)

159

Related posts

Leave a Comment