MURDER SUSPECT PUMALAG SA ARESTO, PATAY

CAVITE – Patay ang isang lalaking murder suspect makaraang barilin ng mga awtoridad nang pumalag umano at paputukan ang arresting officers sa bayan ng Maragondon sa lalawigang ito, noong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang napatay na si Johnson Beratio, nasa hustong edad, ng Brgy. Layong Mabilog, Maragondon, Cavite.

Ayon sa ulat ni Corporal Rolando Periodico Jr., nagtungo sa nasabing lugar ang mga awtoridad, sa pamumuno ni Captain Jerry Flores, hepe ng Maragondon Police Station, at pitong iba pa, bitbit ang warrant of arrest upang isilbi sa suspek sa kasong murder dakong alas-4:15 noong Biyernes ng hapon.

Ngunit pagdating mga pulis ay agad silang pinaputukan ng suspek ng .45 kalibreng baril.

Bunsod nito, gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng suspek. (SIGFRED ADSUARA)

113

Related posts

Leave a Comment