MUSLIM COPS IDEDEPLOY SA SEA GAMES

(NI NICK ECHEVARRIA)

MAGTATALAGA si National Capital Region Police Office (NCRPO) acting chief P/BGen. Debold Sinas ng mga pulis na Muslim sa mga lugar na pinagdarausan ng 30th Southeast Asian Games (SEA Games) sa bansa para palakasin ang Muslim cultural sensitivity.

Ginawa ni Sinas ang hakbang matapos mabatid sa kanilang patuloy na pakikipag-usap sa mga organizers ng SEA Games na ganito rin ang ginagawa ng ibang mga bansa na nag-host ng SEA Games.

Ayon kay Sinas maliban sa mga pinagdarausan ng palaro, magtatalaga din ng tig-dalawang muslim cops (1lalaki at 1 babae) sa bawat lugar na tinutuluyan ng mga atleta para alalayan ang mga ito.

“This is in response to the Muslim in Metro Manila and practice cultural sensitivity. Starting tomorrow they will be deployed and will be wearing Muslim attires (head gear or called tagiyah for male while for female wearing traditional Arabian garb such as the hijab and the jilbab is also commonly worn), pahayag ni Sinas.

Hanggang nitong Martes umaabot na sa kabuuang 3,695 na mga delegado sa Sea Games ang dumating na sa bansa at pansamantalang tumutuloy sa 34 mga hotel para maglaro sa 19 na sports venues.

Iniulat din ni Sinas ang dalawang vehicular inccident na kinasangkutan ng mga foreign delegates na naitala na parehong nangyari nitong November 28 sa lungsod ng Makati.

Nasa 10,000 na mga atleta ang inaasahang darating sa bansa na kalahok sa SEA Games mula sa mga bansang Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, the Philippines, Thailand, Timor Leste, Singapore, and Vietnam will participate in 543 sports events na babantayan ng 17, 734 na mga security personnel galing sa ibat ibang mga law enforcement agencies ng gobyerno.

 

235

Related posts

Leave a Comment