BAGAMAT papataas pa rin ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Laguna, tumataas din naman ang bilang ng mga nakakarekober sa nasabing sakit.
Sa Facebook page ni Laguna Governor Ramil Hernandez, sinabi nito na 13 pasyente na ang nakarekober sa COVID-19.
Umakyat naman sa 72 ang kumpirmadong kaso nitong Sabado ng umaga mula sa dating 67 noong Biyernes ng hapon.
Bahagya ring nadagdagan ang bilang ng mga PUI mula sa dating 828 na tumaas sa 832 makalipas ang magdamag.
Nakapagtala rin ang Laguna ng pitong casualty sa COVID-19. NILOU DEL CARMEN
146 