BRP ANG PANGULO IPAGAGAMIT SA COVID PATIENTS

IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Philippine Navy na i-convert o gawing isang ospital para sa mga pasyente na may coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang BRP Ang Pangulo, presidential yacht.

“Ang Philippine Navy, inalert ko sabi ko yung mga barko ninyo na magaganda, yung Pangulo, yung barko ng presidente ng Pilipinas, maganda ‘yan. Sabi ko sa Navy, gawaing ospital agad, pati magtulong sila ng iba. …Magkukulang tayo sa mga health workers at doctors,” ayon sa Pangulo sa kanyang Presidential Message, Biyernes ng gabi, Abril 3.

Pumiyok si Pangulong Duterte na maihahalintulad sa isang hotel ang interior ng presidential yacht.

Aniya, nakita pa lamang niya ito at kahit kailan ay hindi pa niya nagamit ang presidential yacht.

“Ang loob niyan parang hotel. Ako po sabihin ko sa inyo, hindi ako nagamit. Tiningnan ko ‘yan umakyat ako minsan kasi may pinuntahan ako sa Bureau of Customs. Pero hindi ko sinakyan ‘yan, kailan man ‘yung yate ng presidente, hindi ako bagay diyan, pang-bangka lang ako,” aniya pa rin.

Sa ulat, tinatayang umabot na sa 3,018 ang kaso ng COVID-19 , 136 ang pumanaw at 52 naman ang gumaling mula sa virus. CHRISTIAN DALE

159

Related posts

Leave a Comment