CAVITE – Sugatan ang isa sa dalawang binatilyo makaraang pagbabarilin umano ng isang lalaki nang mahuli habang nangunguha ng kamote sa Terre Verde Residences sa Brgy. Bancal, sa bayan ng Carmona sa lalawigang ito, dakong alas-4:37 ng hapon noong Huwebes.
Base sa inisyal na imbestigasyon, kinilala ang sugatan na si Renato Llantos Fabiana, 15-anyos, ng naturang lugar.
Ayon sa isa pang binatilyo na kasama ni Fabiana, nagkayayaan sila na manguha ng kamote sa nasabing subdibisyon.
Ngunit bigla umanong dunating si Lino Guliman Estoya at sila ay pinaputukan,
Bunsod nito, mabilis umano siyang tumakbo habang naiwan ang biktima na tinamaan ng bala sa kanang kamatay.
Agad namang dinala sa CARSIGMA Hospital si Llantos habang tumakas ang suspek sa hindi nabatid na direksiyon. (CYRILL QUILO)
206
