NANGULILA SA PAMILYA NAG-SUICIDE SA CONTAINER VAN

NAGBIGTI ang isang construction worker dahil sa labis na pangungulila sa kanyang pamilya, sa Malabon City nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Jinggol Amarado, 36, tubong Cebu at stay-in sa MJ Legaspi Company sa Dulong Hernandez, Brgy. Catmon.

Ayon sa imbestigasyon nina P/MSgt. Julius Mabasa at P/SSgt. Jose Romeo Germinal, dakong alas-7:00 ng gabi nang madiskubre ng kanyang kasama sa trabaho na si Macario Cabriana, 38, ang wala nang buhay na biktima habang nakabigti sa loob ng container van sa MJ Legaspi Company.

Kaagad namang ipinaalam ni Cabriana ang insidente sa Malabon Police Sub-Station 4.

Ayon kay Cabriana sa pulisya, una nang nagtangkang magpakamatay ang biktima noong Hulyo 6 ngunit napigilan ng mga katrabaho.

Dagdag ni Cabriana, nangungulila ang biktima sa kanyang pamilya na nasa probinsya ngunit hindi makauwi dahil sa community quarantine. (FRANCIS SORIANO)

350

Related posts

Leave a Comment